Binigyang-diin ni Philippine National Police Chief General Rodolfo Azurin jr., na walang gusot sa pagitan nila ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr.
Kasunod ito ng isyung kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng PNP sa umano’y pag-cover up sa P6.7 billion na shabu.
Ayon kay Gen. Azurin, “very professional” Ang relasyon nila sa trabaho at iisa lamang ang tinatahak na direksiyon nila ni DILG Sec. Abalos.
Sa kabila nito, nanawagan si Gen. Azurin kay Interior sec. Abalos na pagkatiwalaan ang PNP sa paglutas sa nasabing kaso.