Muling nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi niya panghihimasukan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang podcast interview, sinabi mismo ng Pangulo na nasa senado na ang bagay na ito at dapat na hayaan na lamang na gumulong ang proseso.
Ngayong tapos na ang eleksyon, marami aniya silang natutunan dito, at sawa na ang mga tao sa pulitika kaya dapat atupagin na lamang ang pagseserbisyo.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos, dapat na asikasuhin na ang pangangailangan ng taumbayan para maramdaman ng mga ito na hindi sila pinababayaan ng pamahalaan.
—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)