Suportado ni Senator Bam Aquino ang panukalang patawan ng mas mabigat na parusa ang mga opisyal ng gobyernong mapapatunayang nagpapakalat ng fake news.
Ayon kay Aquino, dapat mas maging responsable sa pagpapalaganap ng impormasyon ang mga nasa gobyerno.
Nitong Hunyo, naghain ng panukalang batas si Sen Joel Villanueva na tinatawag na anti-fake news bill na layong patawan ng 1 hanggang 5 taon na pagkakakulong at multang 5 Milyong Piso ang sinumang mapapatunayang nagpapakalat ng fake news.