Binuhay sa Senado ang panukalang 20-percent tax sa non-essential services kabilang ang cosmetic procedure at surgery o vanity tax sa tax reform package ilang oras matapos tanggalin ang nasabing probisyon sa panukalang batas.
Ito’y makaraang maghain ng mosyon si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon upang i-rekonsidera ang kanyang hirit na ibalik ang vanity tax.
Ipinunto ni Drilon na isang kamalian kung hindi bubuwisan ang cosmetic procedure na tila may mababaw lamang na dahilan at ito’y pagandahin ang isang indibidwal gayong may mabigat na rason para taasan ang tax sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Samantala, wala namang Senador na kumontra sa mosyon ni Drilon.