Malayo ang sitwasyon ng Pilipinas ngayon sa idineklarang Martial Law ng dating Pangulong Ferdinand Marcos nuong 1972.
Binigyang diin ito ni Presidential spokesman Harry Roque bilang tugon sa naging pahayag ni Bishop Broderick Pabillo na ang pagpapasara sa ABS-CBN ay hudyat nang papalapit na deklarasyon ng Martial Law.
Bagamat nirerespeto nila ang pahayag ni Pabillo, sinabi ni Roque na bukas ang Kongreso, Korte Suprema at iba pang hukuman, at maging ang iba pang media outlet maliban lamang sa ABS-CBN dahil paso na ang prangkisa nito.