Kasado na ngayong linggo ang malakihang tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa tantsa ng Unioil, maglalaro sa piso at diyes hanggang piso at 30 sentimos ang rollback sa kada litro ng diesel;
Otsenta’y singko hanggang piso at diyes sentimos sa gasolina habang piso at trenta hanggang piso at kwarenta sentimos sa kerosene o gaas.
Ito na ang magiging ikatlong sunod na linggong magpapatupad ng price rollback ang mga kumpanya ng langis.
Bunsod ito ng paghupa ng presyo sa international market makaraang ilabas ng U.S. at China ang kanilang mga reserbang krudo. —sa panulat ni Drew Nacino