Tuloy ang pagtatrabaho ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kabila ng pagiging positibo sa COVID-19.
Inanunsiyo ng Office of the Press Secretary na nagpatawag ng cabinet meeting si para bukas, Hulyo a-12.
Nabatid na makikibahagi ang punong ehekutibo sa nasabing pulong sa pamamagitan ng teleconferencing dahil nananatili pa rin ito sa isolation matapos mag-positibo sa antigen test sa COVID19 noong Biyernes.
Una nang sinabi ng pangulo na asahan ang mas madalas o dalawang cabinet meeting kada linggo upang mabigyan ng sapat na oras ang mga miyembro ng gabinete, na ilahad at talakayin ang mga programa at plano ng kanilang mga departamento.