Hinikayat ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga magulang na samantalahin ang pagkakataon na mapabakunahan ang kanilang mga anak.
Ito’y kasunod ng pagsisimula ng kanilang dalawang (2) linggong polio vaccination katuwang ng department of health simula bukas, Oktubre 14.
Ayon sa PRC, target nilang mapabakunahan ang mahigit 30K kabataan na isasagawa ng kanilang mahigit 500 tauhan at volunteers.
Magugunitang idineklara ng Department of Health (DOH) ang polio outbreak sa buong Pilipinas nito lamang nakalipas na buwan ng Setyembre.