P2 bilyong ang inilaan ng pamahalaan bilang tulong sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Odette.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga government agency na gamitin na ang lahat ng government asset upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga indibidwal na apektado ng bagyo.
Matatandaang sinabi ng pangulo na nasimot na ang pondo ng gobyerno dahil sa Covid-19 pandemic.
Sinabi ni Nograles na may inilaan na P1 bilyong halaga ng mga pagkain ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tiniyak rin aniya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasagawa ng road clearing operations upang hindi maantala ang pagdadala ng relief items.
Gagamitin rin ang military assets para sa paghahatid ng mga suplay sa mga apektadong lugar.