Pumalag ang Malakanyang sa biro ng isang pari laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos sabihin ni Father Noel Gatchalian sa misa sa Senado para kay Senador Antonio Trillanes IV na sana ay magkasakit ang pangulo upang makapagpahinga na ito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi gawain ng isang kristiyano ang magdasal na magkasakit ang isang tao.
Nakakahiya aniya ang ginawa ni Father Noel kaya’t nararapat lang na magbitiw na ito sa pagkapari.