Pinagtibay ng Commission on Elections en banc ang desisyon ng first division nito na nagbasura sa Disqualification Case laban kay Pangulong Bongbong Marcos noong Abril.
Ibinasura sa ruling ang Partial Motion for Reconsideration na una nang kumuwestyon sa findings ng first division na nagpahintulot kay Marcos na tumakbo sa pagka-Pangulo noong May 2022 elections.
Ipinunto ng Comelec na walang basehan ang mga petitioner na ideklarang “insufficient” at labag sa batas ang mga rason ng first division.
Nilagdaan sa promulgasyon noong October 7 ang resolusyon nina Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino at Rey Bulay.
Nag-inhibit naman sa proceedings si Comelec chairman George Garcia dahil dati nitong kliyente si PBBM.
Samantala, inihayag ni Comelec spokesman, Atty. John Rex Laudiangco na pinal na ang resolusyon ng en banc pero kung nais umapela ng mga petitioner ay maaaring magtungo ang mga ito sa Supreme Court at maghain ng Petition for Certiorari.
Kabilang sa mga naghain ng D.Q. case sina Margarita Salonga Salandanan, Crisanto Ducusin Palabay at Mario Flores Ben.