Posibleng sumampa sa 4,000 hanggang 8,000 ang Covid-19 cases sa katapusan ng Oktubre kung patuloy na bababa ang bilang ng mga tumatalima sa public health safeguards, gaya ng pagsusuot ng facemask.
Ayon kay DOH – Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, ang projection ay base sa datos ng kanilang web application na FASSSTER.
Lumabas anya sa datos ng FASSSTER hanggang nitong kalagitnaan ng Setyembre ay asahan na ang patuloy at mabagal na downward trend ng cases.
Batay din sa scenario ay aabot ng 1,204 cases kada araw ang maitatala kada araw pagsapit ng katapusan ng buwan.
Gayunman, maaaring sumirit sa 4,055 hanggang 8,670 ang Covid cases sa nasabing panahon kung darami ang lalabag sa minimum public health standards.