Pinabibilisan na ni Senator Christopher Bong Go sa gobyerno ang paglalatag ng national vaccination program.
Ito’y matapos ang sunod-sunod na pagdating ng mga biniling bakuna ng bansa kontra COVID-19.
Ayon kay Go, mahalagang mabakunahan na ang mga nasa priority groups upang mabakunahan na rin ang mas maraming Pilipino.
Dagdag ni Go, kailangan nang madaliin upang hindi ma-expire ang mga bakuna at marami pang Pilipino ang maturukan nito
Aniya, sa pagpapabakuna hindi lamang ang mga naturukan ang nabibigyan proteksyon kundi nababawasan din ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa
Samantala, sinabi pa ni Go na kailangan masunod ang mga nasa priority list upang hindi madiskaril ang naturang programa.— sa panulat ni Rashid Locsin