Ilalarga na ng DepEd ang oplan balik-eskwela o OBE mula Setyembre 6 hanggang 17 para sa School Year 2021-2022.
May tema itong “Bayanihan para sa ligtas na balik-eskwela” batay sa DepEd memorandum 58 ng kagawaran.”
Ayon kay secretary Leonor Briones, layunin ng hakbang na solusyonan ang mga problemang karaniwang nararanasan tuwing magsisimula ang klase.
Gaganapin ang OBE sa bulwagan ng karunungan, DepEd central office sa Pasig City.
Ito rin ang paraan ng kagawaran upang makausap ang mga ahensya, organisasyon at iba pang stakeholders para sa pagbubukas ng mga paaralan lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Drew Nacino