Ibinunyag PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na may pinaplanong malaki ang New People’s Army laban sa gobyerno.
Ito ay batay aniya sa nakuha nilang intelligence information.
Gayunman, tumanggi na si Dela Rosa na idetalye ang ukol sa plano ng mga rebelde ngunit tiniyak nitong may ginagawa nang hakbang ang Pambansang Pulisya.
Kasabay nito, siniguro din ng PNP Chief na hindi sila aatras at lalaban sa anumang paraan kontra NPA.
By Ralph Obina
NPA may pinaplanong malaki ayon sa PNP was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882