Posibleng umabot ng tatlong taon bago manumbalik ang normal population growth ng Pilipinas.
Ito ay kasunod ng naitalang pagbaba ng ikinakasal, nagbubuntis at nanganganak mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay POPCOM Head Undersecretary Juan Antonio Perez III, mayroong positibo at negatibong epekto ito sa lipunan ng ating bansa.
Isa aniya sa magandang naging epekto nito ay natutong mag-family planning sa natural na paraan at mas natutukan ng mabuti ang kalusugan ng mga isinisilang na sanggol.
Habang ang naging negatibong epekto naman nito ay maaaring dumating ang panahon na kaunti na lamang ang papasok sa mga Paaralan.
Samantala, sinabi pa ng POPCOM na kahit matapos ang pandemya ay hindi agad bubuo ng pamilya ang mamamayan dahil sa naranasang hirap sa kasagsagan ng COVID-19 sa bansa.