Tali ang kamay ng National Food Authority o NFA sa presyuhan ng commercial rice sa mga pamilihan.
Ito ang inamin ni NFA Public Affairs Office Chief Rebecca Olarte kasunod ng mga ulat ng biglaang pagtaas ng presyo ng mga commercial rice.
Ayon kay Olarte, wala silang kapangyarihan para kontrolin ang presyuhan ng commercial rice sa halip, tanging magagawa lamang nila ay bantayan at ipabatid sa taumbayan ang sitwasyon.
Nagtataka ang NFA kung bakit tinaasan ng mga supplier ang kanilang presyo gayung panahon naman ng anihan at sapat ang suplay ng bigas sa bansa.
—-