Welcome para sa susunod na uupong administrasyon at nangungunang kandidato sa pagkapangulo na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga vlogger-youtuber o content creator.
Sinabi ng tagapagsalita at Chief-of-Staff ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na wala siyang nakikitang rason para baguhin ang nakasanayan ng mga volgger kaya dapat itong ikunsidera ng administrasyon.
Ayon kay Rodriguez, ang mga vlogger ang magsisilbing alternatibong mamamahayag o media ng bansa.