Inaasahang papasok ngayong araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na namataan malapit sa Mindanao.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang LPA sa labas ng PAR o layong isanlibong kilometro, silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansa ng naturang sama ng panahon na maging isang bagyo.
Gayunman, naka-aapekto ang trough (trap) nito sa Mindanao na nagdadala naman ng kalat-kalat na thunderstorms na maaaring magresulta sa flashfloods at landslides.
Samantala, naka-aapekto naman ang northeast monsoon o hanging amihan sa Luzon at Visayas.