Absuwelto na sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols ng mga local government unit ang biyahe ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan.
Gayunman ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan pa ring magpakita ng ID at certified true copy ng kaniyang travel authority ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan na nasa official trip.
Kinakailangan din aniyang may lagda ng department head o secretary ang travel authority bilang patunay na nasa opisyal na biyahe ang isang opisyal o kawani ng gubyerno.
Giit pa ni Roque, kailangan ding makapasa ng mga opisyal at kawani ng gubyerno sa symptom screening sa kanilang port of arrival at tiyaking susunod ang mga ito sa mga itinakdang minimum health standard ng Department of Health kontra COVID-19. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)