Pumalo na sa pito ang patay sa pananalasa ng Bagyong Urduja.
Batay sa tala ng Office of the Civil Defense Region 8, umakyat na sa apat ang nasawi sa Eastern Visayas habang isa ang patay matapos malunod sa Mahaplag, Leyte, gayundin ang ikinasawi ng isa pang katao sa Eastern Samar.
Dalawa naman ang nasawi sa landslide sa Almeria, Biliran na kinilalang sina Jimny Jorge, dalawang taon at Winnie Garbo, limampu’t limang (55) taong gulang.
Una namang naiulat ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na dalawa ang naitalang patay sa kanyang nasasakupan.
Samantala, ayon naman kay National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, anim na ang naiulat na nawawala habang labing siyam (19) ang sugatan at karamihan ay dahil sa aksidente sa kalsada.