Hinikayat ng UP OCTA research team ang mga Pilipino na iwasan muna ang mga pagtitipon o Christmas parties ngayong Kapaskuhan.
Ito’y upang mapigilan ang muling pagsipa ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makamit ang mababang bilang ng mga tinatamaan ng sakit sa daily bulletin ng health department.
Ayon sa UP-OCTA research team, nagkaroon na ng second wave ang North America gayundin ang Europa dahil sa mass gatherings lalo na sa mga kabahayan.
Dahil dito, inirerekumenda pa rin ng UP OCTA sa gobyerno na limitahan pa rin sa 10 lamang ang bawat pagtitipon lalo na sa Metro Manila na episentro pa rin ng COVID-19 sa bansa.