Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF)ang panukalang gamitin ang text message para sa automatic contact tracing.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinayagan na ng IATF ang National Economic and Development Authority na gamitin ang smart messaging system para mas lalong palakasin at pagbutihin ang paggamit ng contact tracing app na staysafe.ph.
Dagdag ni Roque, nakatakdang magsagawa ng inisyal na paggamit nito sa mga lugar ng Pasig, Antipolo, Mandaluyong at Valenzuela sa ika-1 ng Mayo.
Sinabi pa ni Roque na inatasan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na pamunuan ang pagpapatupad sa naturang panukala.
Samantala, pinagtitibay rin aniya ang panukala ng Tourism Department na magtayo ng walk-in at drive-thru na vaccination center sa Nayong Pilipino na pag-aari ng Parañaque. —sa panulat ni Rashid Locsin