Sisimulan na bukas, ika-13 ng Abril, ang holy month ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim.
Ang pagtatakda ng Ramadan, ayon sa mga kapatid na Muslim, ay nakadepende sa Islamic Lunar Calendar na sumusunod sa galaw ng buwan at habang nasa moon sighting activity, tinitingnan ng mga otoridad ang bagong crescent moon na pagbabasehan kung kailan sisimulan ang pag-aayuno.
Kahapon, araw ng Linggo, nang magsagawa ang mga Muslim leader, kabilang ang Bangsamoro government at National Commission on Muslim Filipinos ng moon sighting activity sa maraming lugar.
Ayon sa Darul Ifta, advisory committee ng Bangsamoro, ang ipinadalang mga team mula sa Bureau of Muslim Cultural Affairs ay walang nakitang buwan, kagabi.
Sa panahon ng Ramadan ay pawang pagdarasal at pag-aayuno ang ginagawa ng mga kapatid na Muslim hanggang matapos ito na tinaguriang Eid al-Fitr na isang regular holiday.