Lusot na sa Komite sa Kamara ang panukalang batas na magtatakda sa Baybayin bilang pambansang sistema ng panulat.
Layon ng House Bill 1022 na pataasin ang kamalayan ng mga Pilipino sa katutubong panulat na inihahalintulad sa mga bansang China, Japan, Korea, Thailand at iba pa.
Ayon kay Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil, isa sa mga may-akda ng nasabing panukala, oobligahin nito ang mga gumagawa ng produkto na ilagay ang Baybayin sa mga tatak nito.
Gayundin sa lahat ng mga karatula, tanda, babala at mga palatandaan sa mga kalsada, establisyemento, mga tanggapan tulad ng ospital, himpilan ng pulisya, mga pamatay sunog at gusali ng pamahalaan.
Oobligahin din ng batas ang mga pahayagan na ilagay ang Baybayin translation sa kanilang mga ilalathala o akda maging sa mga balitang ililimbag dito.