Aabot sa P83-B ang inalaan na pondo ng senado upang ipambili, paglalagyan at pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y makaraang makalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P4.5-T national budget para sa taong 2021.
Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara, mas malaki ang ipinasa nilang pondo kumpara sa inilaan ng Department of Budget and Management (DBM).
Para naman kay Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon, makabubuting ilaan na rin para sa COVID vaccines ang mahigit P33-B nakatenggang pondo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa Philippine International Trading Corporation (PITC).