Nagsimula nang magsanay ang ilang mga tauhan ng Philippine Marines na itatalaga bilang mga bagong bantay sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, makakatuwang ng mga Marines ang mga tauhan ng PNP Special Action Force o SAF sa pagbabantay sa naturang kulungan.
Magiging rotational basis umano ang pagbabantay ng dalawang elite forces kung saan tig – iisang buwan ang duty bago magpalitan.
Mapapaaga rin ang pagreretiro ni Marine Brig. Gen. Alexander Balutan sa Hulyo 30 para magsilbing bagong pinuno ng Bureau of Corrections sa Agosto.
By Rianne Briones