Itinaas na ng Office of Civil Defense ang red alert status kasunod ng pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, layunin nito na matutukan ang pamamahagi ng tulong at ayuda sa mga naaapektuhan ng gulo sa Marawi City.
Sinabi ni Marasigan na sa Iligan City ang sentro ng operasyon ngayonkung saan karamihan sa mga nagsisilikas sa Marawi City ay doon nagsipuntahan.
Tiniyak ng opisyal na sapat ang suplay ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga internally displaced persons.
By: Meann Tanbio