Ikinokonsidera ng Department of Health o DOH ang mungkahing mandatory COVID-19 booster para makapasok ng mga establisimyento.
Ayon kay health undersecretary Myrna Cabotaje, pinag-aaralan nila ang posibilidad na pagsama ng booster shot bilang bahagi ng primary inoculation series.
Matatandaang nirekomenda ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang naturang booster sa mga magtutungo sa gusali sa ilalim ng Alert level 1.