Patay ang 122 katao sa Pakistan dahil sa heat wave.
Ayon sa Jinnah Hospital, nagsimulang bumigay ang mga dinala sa ospital mula noong Sabado ng gabi.
Isandaan at labing apat (114) sa mga nasawi ay mula sa Karachi, ang pinakamalaking syudad sa Pakistan samantalang walo ang nagmula sa tatlong distrito ng Sindh.
Pumalo sa 111 degres Fahrenheit ang temperatura sa Karachi noong Sabado, mababa lamang ng bahagya sa all time high temperature ng syudad na 116.5 degrees noong June 1979.
Nagdeklara na ng state of emergency sa lahat ng ospital ang pamahalaan ng pakistan, kanselado na rin ang leave ng lahat ng hospital doctors at staff at dinagdagan na ang suplay ng mga gamot.
By Len Aguirre