Patay ang mag-asawa matapos banggain ng trak ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Quezon City.
Kinilala ni ang 2 nasawi na sina Ritchie at Rhea Baldeviso, habang kinilala naman ang suspek na driver na si Vicmar Maddawin Madellin.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, binabaybay ng mag-asawa ang kahabaan ng payatas road galing Montalban patungong Litex, nang sumulpot mula sa kabilang kalsada ang minamanehong trak ng suspek na may plakang NDK 3206.
Sa lakas ng impak ay tumilapon ang mag-asawa kung saan nabagok ang ulo ng mga ito na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage to property. —sa panulat ni Angelica Doctolero