Winelcome ng National Kidney Transplant Institute ang pag apruba ng House of Representatives sa libreng dialysis treatment sa indigent patients.
Ayon kay NKTI Director Rose Liquete, malaking tulong ito sa mahihirap na hindi kinakaya ang gastusin sa mahal na kidney dialysis na dalawa o tatlong sesyon kada isang linggo na nagkakahalaga ng tatlo hanggang apat na libong piso kada sesyon.
Bukod sa dialysis, inihirit ni Liquete na maging ang kidney transplant at gamot sana ay ma-ilibre na rin ng gobyerno.