Ibinaba ng grupong Abu Sayyaf ang hinihinging ransom kapalit ng kalayaan ng kanilang bihag na dinukot sa Samal Island.
Ito ang ibinunyag ng isang senior leader ng Moro National Liberation Front, kung saan pinipigil umano ngayon ang mga bihag sa isla ng Sulu.
Mula sa P1-B ay ibinaba ng P900-M na lamang ang ransom demand para sa kalayaan ng 2 Canadian, at Norwegian na hawak ng ABU Sayyaf sub-leader hatib hajan sawadjaan.
Kasamang bihag ng mga Abu Sayyaf ang Pilipinang si Marites Flor subalit wala umanong hinihinging ransom para sa kalayaan nito at nakadepende ang paglaya sa 3 dayuhang bihag na magbabayad ng ransom.
By: Aileen Taliping (patrol 23)