Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain at sunugin ng sariling anak sa bayan ng Salvador Benedicto, Negros Occidental.
Ayon sa Negros Occidental Provincial Police Office, natutulog ang biktima kasama ang asawa nito nang pasukin ang kanilang bahay ng 40 anyos na suspek sa Barangay Igmaya-an.
Hinila pa ng suspek ang bangkay ng ama palabas ng bahay at saka sinunog at bagaman sinubukang pigilan ng kaniyang ina, tinaga rin ito ng suspek.
Nakatakas naman ang ina at naka-confine sa isang ospital sa Bacolod City.
Batay sa imbestigasyon, may problema umano sa pag-iisip ang nakatakas na suspek na iniwan ng asawa noong isang linggo na isa sa mga sinasabing nakaapekto sa pag-iisip nito.