Kung ang iba ay nais na matyempuhan ang pagdaan ng Google Street View car para makuhanan sila ng camera nito, ibahin niyo ang lalaking ito sa argentina na namataan sa google street view nang nakahubad. Dahil sa labis na kahihiyan, inireklamo nito ang Google.
Kung sino nga ba talaga ang may kasalanan sa pagitan ng dalawang panig, eto.
Naninirahan sa maliit na bayan sa Argentina ang isang hindi pinangalanang lalaki at nasaktuhan pa na nasa labas ito ng kaniyang bahay nang dumaan sa kanilang lugar ang Google Street View car.
Sa halip na ma-excite para sa isang possible exposure, nagresulta ito sa matinding kahihiyan sa lalaki dahil nakuhanan ito ng camera ng sasakyan na nakahubad sa kaniyang bakuran.
Matapos ang hindi inaasahang exposure ng lalaki at ng kaniyang puwitan, naging tampulan ito ng katatawanan, hindi lang sa kanilang lugar kundi pati na rin hanggang sa kaniyang trabaho. Ang lalaki, isa pa man ding pulis.
Dahil dito ay nagsampa ng reklamo ang lalaki laban sa Google sa kadahilanang na-violate nito ang kaniyang privacy, lalo na at malinaw sa litrato ang address ng kaniyang bahay.
Pagdating sa lower court, na-dismiss ang kaso at kinwestyon ang paglalakad ng lalaki nang nakahubad sa kaniyang bakuran. Pero ayon sa korte, tila nanghimasok ang Google sa private property ng lalaki at nagdulot ng labis na kahihiyan dito.
Nabsaura ang argumento ng Google na mababa umano ang gate ng bahay ng lalaki dahil nadiskubre na umaabot talaga ito ng 6 feet.
Samantala, matapos nito ay pinagbayad ang Google Argentina at Google Inc. ng 16 million pesos na danyos sa kahihiyang natanggap ng lalaki.
Ikaw, sino ba sa palagay mo ang may kasalanan sa kasong ito?