Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na naghihintay pa sila sa kumpirmasyon mula sa presidential at vice presidential candidates na dadalo sa huling yugto ng debate.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, hihintayin nila ang sagot ng mga kandidato, kung sila ba ay dadalo o hindi, hanggang sa Martes, Abril a-27.
Kaugnay nito, tiniyak ng COMELEC na kasado na ang debate sa darating na Abril a- 30 at Mayo a-1 matapos itong ire-schedule mula sa dating petsa na Abril 23 at 24.
Matatandaang kinansela ang dapat sanang debate matapos hindi bayaran ng Impact Hub Manila ang P14 milyong bayad sana sa Sofitel Philippine Plaza Manila na pinagdausan ng debate.
Samantala, una nang inihayag ng ilang presidetiables at vice presidentiables dahil sa nangyaring insidente.