Nagpa-plateau na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong linggo ayon sa Department of Health o DOH.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 1,903 cases na ang naitalang kaso mula April 5 hanggang 11, na tinatayang nasa 271 kada araw.
Mas mababa ito ng 26% kumpara sa naitala noong March 29 hanggang April 4 na may average na 366 daily cases.
Sa ngayon, nasa low risk na ang ICU utilization rate sa bansa na nasa 18.4% at bed utilization rate na nasa 16.6%.