Inihayag ng Department of Agriculture na mas murang sibuyas ang maaaring mabili ng mga Pilipino sa inilunsad na Kadiwa Stores ng gobyerno.
Ayon kay Kristine Evangelista, Assistant Secretary ng Agriculture Department, nasa P170 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa Kadiwa Stores.
Malayo ito sa P280 na orihinal na presyo o umaabot pa ng P300 sa ilang pamilihan.
Tiniyak naman ni Evangelista na magpapatuloy ang pagbubukas ng Kadiwa Stores para magbigay ginhawa sa gitna na rin ng pagmahal ng mga bilihin.
Sa ngayon, paliwanag pa ng Agriculture official na inaalam na nila kung gaano kalaki ang volume na nakatakdang i-harvest sa susunod na buwan, lalo’t nakakatulong ito sa suplay at magpapababa rin ng presyo.