Hindi dapat maliitin ang kakayahan ng batang boksingerong si Ryan Garcia bilang posibleng susunod na kalaban ni fighting Senator Manny Pacquiao.
Ayon kay Sean Gibbons, Presidente ng MP promotions, maaaring ikagulat ng lahat ang magiging resulta ng laban ng dalawa.
Ani Gibbons, marami pa rin ang posibleng mangyari sa laban lalo na’t bata pa si Garcia at mas malakas ito habang halos dalawang taon nang hindi lumalaban si Pacquiao.
Una nang lumabas ang usapin ng posibleng laban sa pagitan ng dalawa matapos sabihin ni Garcia na panahon na para ipasa ni Pacquiao ang trono sa kanya.
Samantala, kinilala naman ni Pacquiao ang posibilidad na si Garcia ang susunod niyang makakalaban.