Nananatili sa 1.7% ang inflation rate o antas ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Oktubre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, katulad ito ng naitalang antas noong Setyembre pero mas mabagal kung ikukumpara sa 2.3% inflation rate sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Pangunahing nag-ambag sa inflation ngayong buwan ang housing, water, electricity, at gas na may 2.7% inflation rate at 34.6% bahagi sa kabuuang pagtaas.
Samantala, patuloy namang bumabagal ang inflation sa bigas na may negative 17% inflation rate noong nakaraang buwan.
Sa Metro Manila, bahagyang tumaas sa 2.9 %t ang inflation mula sa dating 2.7% noong Setyembre.
Habang sa labas ng NCR, bumaba naman ang inflation sa 1.3% dahil sa pagbaba ng presyo ng pagkain.




