Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga otoridad habang patuloy na nararanasan ang epekto ng Bagyong Tino.
Paalala ni VP Sara, manatili sa loob ng bahay, maghanda ng emergency bag, bunutin ang mga kagamitang de-kuryente, umiwas na bumiyahe hangga’t hindi ligtas, at lumikas sa mas mataas na lugar kung may banta ng pagbaha.
Tiniyak din ng Bise Presidente na nakahanda ang Disaster Operations Center ng kanyang tanggapan upang tumulong at mag-augment sa mga operasyon ng mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar




