Isasara ngayong weekend ang ilang kalsada sa Parañaque City upang magbigay-daan sa konstruksyon ng istasyon ng LRT-1 extension.
Tinukoy ng Traffic and Parking Management Office ng lungsodang North at Southbound ng Ninoy Aquino Avenue malapit sa Imelda Bridge.
Magsisimula ang road closure alas-8:00 ng gabi bukas, Agosto 19 hanggang ala-5:00 ng umaga sa Lunes, Agosto 22.
Inabisuhan naman ang mga motoristang daraan sa Northbound lane na kumanan sa Old Sucat Road o sa tapat ng SM Sucat, kanan sa C5 Extension, kaliwa sa Multinational at kanan sa Ninoy Aquino Avenue sa bahagi ng Duty Free.
Sa mga pa-Southbound naman, maaaring kumaliwa sa Multinational, kanan sa C5 Extension Rd., kanan sa Amvel at kanan sa Ninoy Aquino Ave. tapat ng Air Force One.
Maaari ring tahakin ang Quirino Avenue, kaliwa sa Victor Medina o Kabihasnan at kanan sa Ninoy.