Lusot na sa Committee Level ng Kamara ang panukalang patawan ng excise tax ang single use plastic bags.
Sa House Ways and Means Committee hearing kahapon, inaprubahan ng lahat ng member ang House Bills 220 at 1811 o ang pagpapataw ng 20 pesos Excise Tax sa kada kilo ng single use plastic bag.
Sa sandaling maisabatas, aabot sa 900 million pesos ang makokolektang buwis ng gobyerno.
Layunin ng panukala na mabawasan ang paggamit ng single use plastic sa bansa ng hanggang 72% to 82% upang mabawasan ang masamang epekto nito sa kapaligiran.
Sa kasalukuyan, may kahalintulad din itong batas na umiiral sa Hong Kong, Cambodia, Malaysia, America at Canada.