Humirit na si Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa mga trader na ibaba hanggang P70 ang kada kilo ng presyo ng asukal.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakikipag-negosasyon na ang gobyerno sa mga negosyante na nag-alok ng P80 kada kilo pero kanyang hihilingin na ibaba pa hanggang P70.
Naaawa anya ang punong ehekutibo sa mga mamamayan at umaasang mapagbibigyan ng mga negosyante ang kanyang hirit na tapyasan ang presyo ng asukal.
Iginiit naman ng pangulo na may supply pa ang bansa kaya’t hindi pa kailangang mag-import sa ngayon.