Pinakakasuhan na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang ilang personalidad na sangkot sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam.
Ilan sa mga ito ay sina dating Budget Secretary ngayo’y Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, dating Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina, Janet Lim Napoles at dating ERC Chair Zenaida Ducut.
Pawang nahaharap sa kasong graft, malversation at direct bribery ang mga naturang opisyal dahil sa paglustay umano ng Priority Development Assistance Fund o PDAF na ipinaraan sa mga bogus NGOs ni Napoles.
Magugunitang isiniwalat ng whistleblower na si Benhur Luy na nakatanggap umano si Baterina ng kickback na nagkakahalaga ng P7.5 milyong piso na ipinaraan naman ni Napoles kay dating ERC Chair Ducut.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)