Kasado na ang isasagawang Special Elections sa Cavite at Plebisito sa Bulacan.
Ito ang inihayag ni Commission on Elections Atty. John Rex Laudiangco kung saan nakatakda itong ganapin sa isagawa sa ika-7 distrito ng lalawigan ng Cavite sa February 25, 2023.
Aniya, magiging automated ang halalan sa nasabing distrito kaya’t nakahanda silang mag-imprenta ng mga balota.
Samantala, magsasagawa naman ng plebisito sa Baliuag, Bulacan sa December 17 para malaman kung pabor ang mga residente na gawing lungsod ang kanilang bayan.
Nakatakda naman ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Disyembre 5-6 habang magsisimula ang election period sa Enero 20 na tatagal hanggang Marso 12 sa susunod na taon.