Hinimok ng health care advocate ang DTI at FDA na tukuyin ang mga nag-iimbak ng Paracetamol at anti-flu.
Ayon kay Anakalusugan Party-List nominee Ray Roquero, na dapat tiyakin ng DTI at FDA na matitigil ang hoarding at profiteering practices at magkaroon ng pantay na access sa mga mahahalagang gamot.
Umapela din si Roquero sa mga tagagawa ng gamot na pabilisin ang muling pagdadagdag ng mga branded at generic na Paracetamol supplies sa mga drug stores.
Samantala, inihayag ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na maaaring tumagal ng hindi bababa sa tatlong araw pa bago muling ma-supply ang mga naturang gamot. —sa panulat ni Kim Gomez