Naglabas ng guidelines ang Department of Health (DOH) para sa Nationwide Rollout ng 2nd COVID-19 booster dose sa mga edad 50 pataas at 18 anyos hanggang 49 anyos na may comorbidities.
Ito’y matapos palawigin ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng ilang COVID-19 vaccine brands para magamit bilang second booster sa expanded population, gayundin ang rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council (HTAC).
Ayon sa DOH tanging ang Pfizer at Moderna mRNA vaccines ang gagamitin para sa naturang adult group at hindi dapat bababa sa apat na buwan ang pagitan mula nang maturukan ng unang booster shot.
Hindi naman required ang medical certificate, maging sa mga indibidwal na may comorbidities, ngunit dapat na magdala ng vaccination card at valid ID.