Umabot na sa 350 ang aftershocks na naitala kasunod ng pagyanig ng malakas na lindol sa Mindanao.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, magnitude 5.2 na lindol ang naitalang pinakamalakas na aftershock sa Matanao, Davao Sel Sur.
Naitala naman ang magnitude 4.5Â na aftershock sa bayan ng Padada.
Kasabay nito, nilinaw ng PHIVOLCS na walang banta ng tsunami kasunod ng malakas na lindol.