Muling sinusuri ng gobyerno kasama ang mga vaccine manufacturer ang mga COVID-19 vaccine na na-expired o malapit na ang expiration para sa posibleng shelf-life extension.
Ayon kay NTF against COVID-19 chief secretary Carlito Galvez Jr., kaugnay ito sa 1.2 million Pfizer vaccine na dumating sa bansa noong Oktubre at nakatakdang mag-expire noong Nobyembre ay maaari aniyang i-extend hanggang Pebrero sa susunod na taon base sa serye ng evaluation.
Dagdag pa ni Galvez, ginagawa na ng NTF at Department of Health ang lahat ng kanilang makakaya upang masiguro na walang bakunang masasayang.
Kasalukuyan nang nakikipag-usap ang gobyerno sa iba’t ibang pharmaceutical companies at Covax facility na maglaan sa bansa ng bakunang may shelf-life na apat na buwan o higit pa.—mula sa panulat ni Airiam Sancho